An Organization of OFWs for the OFWs and The Filipino Family!
"Sponsored Links"
RESPONSIVE LINKS
"Advertisements"
PEBA EXCHANGE RATE,
Search This Site

Tuesday, July 22, 2014

WATCH- Mayor Rodrigo Duterte: You Will Regret it if I Become President of the Philippines


Here we go !!! Mayor Rodrigo R. Duterte's impromptu speech before the delegates and members of the Philippine Society for Industrial Security (PSIS) INC.on the occasion of their "8th National Security Management Convention" last 28 August 2014 at Midas Hotel and Casino , Roxas Blvd., Pasay City. The theme of the convention is "Security Strategies Amidst Emerging Threats" (28-29 August, 2014). I was there as one of the invited guests..(.An excerpts from the entire speech which lasted for almost an hour)






Mayor Rodrigo Duterte is saying that the people will regret it if he decided to run and win as Philippine president.


MAYOR DUTERTE: MAGSISISI KAYO KUNG AKO ANG MAGIGING PRESIDENTE! 

Anchorwoman: Now because of the Senate Hearing, lumakas na ang panawagan na ikaw ay tatakbong pagkapangulo ngayong 2016 na election?

Mayor Duterte: Kayong mga taga Davao at kayong mga Pilipino, makinig kayo ha. Sinabi ko na dati, at sinasabi ko ulit for the nth time dito: Hindi ako interesado na maging Presidente, hindi ako qualified, di ko gusto, wala akong makukuha dyan. Ngayon, mananatili akong mayor,o  kung ayaw na ninyo sa akin, bababa ako, o kung hindi na kaya ng aking katawan, bababa ako sa pagkamayor.

Wala akong interes sa pagiging presidente. Hindi ako qualified, hindi rin ako interesado. So i hope that, you know, yang mga naglalaro ng pangalan ko dyan sa pagiging presidente, Stop it! I'm pleading to you to stop it. 

Anchorwoman: Aside sa mga lumabas na mga grupo na nananawagan na ikaw ay tumakbo, meron na bang lumapit sayo na mga influential people for you, or convincing you na tatakbo lalo na ang mga politiko.

Mayor Duterte: (Ayan na naman) Wala! Di rin naman ako mageentertain ng mga kwento kwento. Sasabihin ko naman na *******. I just treat it nonchalant. Hindi bagay sa atin yan. 

Hindi naman talaga bagay, bakit ako magiging presidente? Bakit ako magiging presidente, magtratrabaho ako? tapos ipapakulong ninyo ako? Saan man yan sila papunta, di ba sa kulungan?

Dalawang pangulo na ang nakulong. Gagawin ninyo akong ex convict?

Pagkatapos, kung ako ang inyong magiging pangulo... Kung! Kung may milagro na ako ang inyong magiging pangulo, magsisisi kayong lahat!

Anchorwoman: Bakit naman?

Mayor Duterte: Ah sus ginoo.

Anchorwoman: Papatayin mo lahat?

Mayor Duterte: Basta magsisisi kayong lahat!
Sasabihin niyo pang: buti pa sanang di **************
>>> Yang Custom, ipapasara ko yan! Sasabihin nila, sir madami ng barko, sasabihin ko, ah ang laki ng dagat, parking kayo dyan lahat!




©2014 THOUGHTSKOTO

Join Us on Facebook