An Organization of OFWs for the OFWs and The Filipino Family!
"Sponsored Links"
RESPONSIVE LINKS
"Advertisements"
PEBA EXCHANGE RATE,
Search This Site

Thursday, July 10, 2014

Renting a House Abroad Without Paying It Can Land You To Jail.



May balitang lumabas sa Saudi Gazette na ang mga nangungupahan daw na hindi nakakapagbayad ng upa ay ikukulong. Ayun pa sa isang nanay na lumabas ang resulta ng paglilitis at may papel na siyang hawak na ipinapakulong siya dahil sa hindi pagbabayad ng upa sa bahay. Sabi niya na masyadong “harsh” ang ganitong verdict sa kaso, ang mabilanggo kasama ang mga kriminal.

Ayun naman sa korte, ang parusa daw sa hindi pagbabayad ng rent ay pagbibigay ng abiso ng hindi tatagal sa isang buwan para makahanap ng malipatang bahay o pagpapalayas sa nakatira. Inamin din na masyadong madami na daw ang kaso ng mga hindi pagbabayad ng upa kung kaya’t kinakailangang pagkabilango na ang magiging kaparusahan. Sa Jeddah daw ay 1,173 na kaso, sa Riyadh ay 1,128, sa Makkah ay 883, sa Madinah ay 667, sa Dammam ay 526 at sa Al-Khobar ay 334 na kaso.

Samantala, sa UAE naman lumabas ang balita sa The Filipino Times na padami na ng padami ang mga Pinoy doon na inaayawan ng mga kumpanya ng real estate at mga may-ari ng bahay paupahan sa kadahilanang nagsasama-sama ang mga Pinoy, nagpapaupa, ng bedspacing, laging nagpaparty sa bahay na nakakaistorbo sa mga kapitbahay at pagluluto ng mga maamoy na pagkain kagaya ng pritong tuyo o daing.

Dahil padami ng padami ang mga nagtratrabaho sa UAE, nagging mapili na ang landlords sa kanilang pinapaupa. Sa ngayon daw, ang ibang mga landlords ay nagrerequire na na ang mga uupa ay pagbigay ng kopya ng bank certificates, o salary certificates para maipakita kung may kakayahan daw ba silang mangupa ng bahay ayun sa kanilang sahod o kinikita, dahil kung mas mababa ang sahod, malamang daw na ipapaupa nito sa iba ang flat o bahay kaya nagsisikipan.



May iba pa daw na mga Pinoy na pinarenovate at pinalagyan ng mga division at bahay at kwarto ng walang pahintulot o hindi ipinaalam sa may-ari. Nauso din daw ang family apartment tapos pinapaupa ng isang pamilya sa ibang Pinoy ang ibang kwarto. Isa din daw sa mga problema ng sharing o pagpapaupa sa ibang tao ay ang cohabitation, o ang pagsasama, bilang bedspace, sa isang kwarto kahit babae o lalaki dahil ito ay isang serious offense, ang pagsasama ng kwarto kahit hindi kasal.

Sa Saudi Arabia, mahigit sa isang milyon ang mga OFW at mga pamilya nito. Sa UAE naman ay nasa 700,000 mahigit ang mga OFW na nandoon. 

Maraming challenges ang mga Pinoy sa abroad ngayon, at isa na dito ang pahigpit na pahigpit na mga batas. Sana lang wag ng mapuna lalo na sa Saudi itong pagpapaupa at itong pagsasama sa isang flat ng isang pamilya at mga single o bachelor sapagkat maraming kababayan ang maapektuhan.


©2014 THOUGHTSKOTO

Join Us on Facebook